Birthday ng singer na si Ice Esguerra o mas kilala dati na si Aiza kaya naman dapat may pasabog ang asawa nitong si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino.
Sa IG ni Liza ay ipinost nito ang photo nilang mag-asawa.
Sabi ni Liza, naghanap daw talaga siya ng photo nilang dalawa na magmumukhang mas bata siya sa partner at hindi mukhang nanay nito.
“Unfair ka kasi, kahit 37 ka na, minsan mukha ka pa ring 15. Pagod na pagod na akong mag-explain na 33 lang ako,” bahagi ng caption ni Liza.
Mas pasabog naman ang caption ni Liza dahil tinawag nitong ‘regalo’ sa kanya si Ice.
You area a gift to me, my blessing. The best thing that happened in my life after Amara,” tsika ni Liza.
Hindi ba’t pamatay ang mga binitiwang mensahe ni Liza para sa partner. Bongga!