Kasama sina Liza Soberano at James Reid sa 100 Most Beautiful/Handsome Faces ng TC Candler ngayong 2019.
Pasok sa 10th spot si Liza at ikalimang beses na niyang nasama sa nasabing listahan. Pang-apat siya noong 2018 at top 1 noong 2017.
Pang-93 spot naman ang sexy actress na si Jessy Mendiola.
Ang singer-actor na si James Reid ay nasa 42nd spot at 50th spot naman si Daniel Matsunaga sa 100 Most Handsome Faces.
Ang listahan ay gawa ng TC Candler at The Independent Critics simula pa noong 1990.