Livelihood para OFW sagot ng POEA sa COVID-19

Humigit kumulang na 3,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado ng travel suspension sa Qatar at Kuwait sa gitna ng paglaganap ng COVID-19.

Livelihood program ang alternatibo na pwedeng gawin na ayuda ng pamahalaan sa mga OFW na mawawalan ng trabaho sa dalawang bansa.

‘Yan ang sagot sa tanong kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) head Bernard Olalia sa Senate economic affairs hearing sa impact risk assessment ng COVID-19 kahapon.

Bukod pa ito sa kasalukuyang pakikipag-usap ng POEA sa mga employer ng OFWs sa pamamagitan ng private recruitment agencies.

Aabot sa 100 OFWs ang umaalis ng bansa ayon kay Olalia.