Opisyal nang isinapubliko ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holiday para sa taong 2021.
Sa Proclamation No. 986 ni Pangulong Rodrigo Duterte, dineklara ng Malacañang bilang holiday ang mga sumusunod:
Kabilang sa mga ito ang sumusunod na regular holiday:
Enero 1 – Araw ng Bagong Taon
Abril 1- Huwebes Santo
Abril 2- Biyernes Santo
Abril 9 – Araw ng Kagitingan
Mayo 1 – Araw ng mga Manggagawa
Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
Agosto 30 (huling Lunes ng Agosto) – Araw ng mga Bayani
Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
Disyembre 25 – Araw ng Pasko
Disyembre 30 – Araw ni Rizal Special non-working day naman ang mga sumusunod:
Pebrero 12 – Chinese New Year
Pebrero 25 – Anibersaryo ng EDSA People Power
Abril 3 – Sabado Santo
Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
Nobyembre 1 – Araw ng mga Santo
Disyembre 8 – Kapistahan ng Immaculada Concepcion
Disyembre 31 – Huling Araw ng Taon
Dagdag na mga special non-working day
Nobyembre 2 – Araw ng mga Kaluluwa
Disyembre 24 – Bisperas ng Pasko