Dahil sa sunud-sunod na lindol narito ang ilang paalala ng mga eksperto na dapat nating gawin para masiguro ang ating kaligtasan sakaling makaranas ng lindol at aftershocks.
Unang-una ay ang pag-duck, cover and hold.
Gawin natin ito lalong-lalo na kung inabot tayo ng lindol o aftershocks sa loob ng ating tirahan.
Umiwas sa mga bintana o iba pang bahagi ng bahay na may salamin para hindi masugatan.
Huwag lalabas ng bahay hangga’t hindi nakakasigurong payapa na ang paligid.
Sakali namang wala sa loob ng bahay sa panahon ng pagyanig, pumuwesto lamang sa ligtas na lugar at gawin ang duck, cover at hold.
Umiwas sa mga poste at gusali na may kuryente para makasigurong hindi madadamay sakaling may sumiklab na sunog.
Sakali namang nasa sasakyan sa oras ng lindol manatili sa sasakyan o maghanap ng mas ligtas na lugar at magsuot ng setbelt para handa na sakaling lumipat sa mas ligtas na puwesto.