Klasik ang inabot ng isang 93-anyos na survivor ng World War 2 sa pananalasa ng coronavirus sa buong mundo.
Ang biktimang si Pablo Santos ay ikinukunsiderang tanging nabubuhay na World War II veteran sa ilalim ng Bruce Guerrilla movement, ayon sa Bamban Museum Curator na si Rhonie Dela Cruz.
Si G. Santos na tubong Tarlac ay iginupo ng virus na pumatay na ng libu-libong tao sa buong mundo.
Sa ulat, naospital muna si Lolo Pablo ng limang araw sa St. Raphael Foundation and Medical Center sa Mabalacat, Pampanga bago ito binawian ng buhay.
Natuklasang positive sa COVID-19 ang World War 2 survivor, base sa salaysay ng anak nitong si Evelyn Santos Cura sa ulat ng isang online news.
Si Cura ang kasa-kasama ng matanda bago ito nasawi.
Ayon pa sa doktor ni Ginoong Santos, nagkaroon din ito ng internal organ failure.
Ang mga labi ng pinakahuling WW2 survivor ay na-cremate sa Tarlac City.