Libreng Sakay Program ng DOTr nakapagsilbi sa 123,575 health workers

Walang patid ang tulong na ginagawa ng Department of Transportation (DOTr) sa pakikipag-ugnayan at kooperasyon ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa programang FREE BUS SERVICE FOR HEALTH WORKERS Program.

Umabot na sa 123,575 kahapon, Abril 9, ang kabuuang bilang ng mga medical frontliners na natulungan ng nasabing programa.

Ayon sa DOTr, sa bilang na ito, umabot sa 35,873 ang mga nakinabang sa NCR, habang 87,702 ang kabubuan naman sa iba pang mga rehiyon buong bansa, kabilang ang regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, at CAR ang programang ito.

Sa ngayon, hindi na lang ang 19 na ruta ang siniserbisyuhan nito kundi maging ang mga ruta sa iba pang rehiyon sa Pilipinas. Matatandaan na nagsimula lamang sa tatlong (3) ruta ang DOTr Free Ride for Health Workers Program noong ika-18 ng Marso 2020.

Bukod pa rito, sa pakikipagtulungan ng Google sa Road Sector ng DOTr, makikita na ngayon ang 19 NCR routes ng libreng sakay sa GOOGLE MAPS na magbibigay-daan upang mas mapadali para sa ating mga health workers na malaman kung saan maaaring i-avail ang free ride ng DOTr.

Liban pa rito, siniguro din ng DOTr na matutulungan ang mga health worker na may sariling sasakyan sa pamamagitan ng libreng toll fee sa lahat ng expressways sa Luzon habang nakataas ang enhanced community quarantine.

Ang FREE TOLL FEE program naman ay nakamit dahil sa kooperasyon at pakikiisa ng mga toll operators sa Toll Regulatory Board (TRB) ng DOTr.

Ang DOTr Free Ride for Health Workers Program ay naisasagawa sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Office of the President, House of Representatives, Supreme Court, Office of the Solicitor General, Court of Appeals, Sandiganbayan, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Audit (COA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

Kasama rin sa mga nagbibigay ng kanilang walang sawang suporta at kooperasyon sa programa ang mga sumusunod na pribadong kumpanya: HM Transport, San Agustin, MetroExpress, RRCG, Megaworld Corp. (Citylink), Precious Grace Transport, Ceres Transport, Jac Liner, Dagupan Bus, St. Rose Transit, Hafti Transport, Jasper Jean, Pascual, Hi-Star, Pamana, Ube Express, G-Liner, Thelman Transit, Manrose, Pilipinas Autogroup, Beep, Star 8, Mitsubishi Motors, Elmer Francisco Industries, Isuzu Philippines, Foton Motors, Hino Motors, Suzuki, MERALCO e-Sakay, at Lucena Lines.

Narito ang UPDATED MAP LINK: https://bit.ly/DOTrFrontlineShuttleMap (DOTR)

Source: Angelie Villapando, Philippine Information Agency, April 10, 2020