Nagbigay na ng go signal ang Philippine Embassy sa Beirut, Lebanon sa mga overseas Filipino worker (OFW) na gustong umuwi for good sa Pilipinas sa Pebrero 2020.
Sa mga nais samantalahin ang alok na ito ng gobyernong Duterte mangyaring magsadya sa embahada upang magpatala at alamin ang iba pang rekisitos.
Ang mass repatriation ay iniutos ng gobyernong Duterte upang tugunan ang kawalang-trabaho at pagkakakitaan ng maraming OFW dahil sa nangyayaring economic crisis sa Lebanon.
Saklaw ng mga obligasyong papasanin ng gobyerno at ang penalty ng mga Pinoy na mabibigyan ng exit clearance.