Liam Hemsworth ipinakilala ang bagong GF sa pamilya

Ipinakilala na ni Liam Hemsworth ang kanyang 21-ayos na bagong girlfriend sa kanyang pamilya.

Pinatunayan ni Liam na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ng asawang si Miley Cyrus nang ipakilala nito sa kanyang pamilya ang bagong GF na si Gabriela Brooks, na isang model.

Liam Hemsworth & Gabriella Brooks
Liam Hemsworth & Gabriella Brooks. (IG)

Aprubado naman umano sa mga magulang ng aktor si Brooks.

Sina Liam at Miley ay tuluyang naghiwalay noong nakaraang August.

Bagama’t wala pang isang taon ang kanilang kasal, umabot naman ng 10-taon ang kanilang on and off na relasyon.