Mapalad ang samahan ng lesbian,gay,bisexual and transgenders (LGBT) dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpanumpa sa kanilang samahan sa pangunguna ng Presidente ng grupo na si Faustino “Bubsie” Sabarez III.
Ang panunumpa ng mga opisyal ng LGBTQ ay ginanap mismo sa Palasyo ng Malacañang.
Sa nasabing pagtitipon ay nangako si Pangulong Duterte na susuportahan ang grupo gayundin ang pagkilala sa nasabing sektor ng lipunan at iginiit ang pangangailangan na proteksyunan at pangalagaan ang dignidad ng mga ito.
Maliban sa pagpapanumpa sa mga bagong halal na opisyal ng LGBTQ ay isang thanksgiving dinner ang idinaos sa Heroes Hall ng Palasyo.
Matatandaang kamakailan lamang ay nilagdaan ni Duterte ang isang executive order na lumikha sa inter-agency committee on diversity and inclusion na papabor sa LGBTQ.