Lea Salonga atras na sa SEAG performance!

Mistulang sinabayan ng singer na si Lea Salonga ang gulong sumabog sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games kung saan ay inaasahan isa ito sa mga kakanta.

Sa twitter post ni Salonga ay ibinalita nito ang hindi pagdalo sa SEA Games para ito mag-perform.

Lea Salonga
Lea Salonga (IG)

Ganito ang mensahe ni Salonga sa kanyang Twitter account: Leaving on a jet plane for Singapore tomorrow and will begin our 14-show Sweeney run on Thursday night.

This means I will not be performing at the SEA Games opening ceremonies on Saturday. I won’t be back home til after Sweeney is done.”

Suportado naman ng ilang netizen ang mas pagbibigay prayoridad ni Lea sa mga trabaho sa ibang bansa.

Gayunman ay may ilan ang nakaramdam ng pagkalungkot.

Sabi ng isang @joantrinchmesNakaka emote ng konti coz your presence is very priceless at nakaka relief ng stress dito sa Pilipinas.but anyway good luck for your show @SG may GOD bless you all..xoxo..see yah!”