Pinasinungalingan mismo ni Megastar Sharon Cuneta ang naunang pasabog ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang pinalalayas ng aktres ang asawang si Sen. Francis Pangilinan.
Sa pamamagitan ng Instagram ay nilinaw ni Shawie na masaya siya sa buhay may-asawa kasama si Kiko para ituwid ang sinabi ni Pangulong Duterte.
“Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier! God bless you all! Love you guys,” bahagi pa ng mensahe ni Shawie.
Maging ang anak ng mag-asawang si Frankie na nasa US ay nagulat sa balita kaya maging ito ay nag-react.
“Protect them at all cost,”
isa sa nasambit ni Frankie kalakip ang larawan ng mga magulang habang magkayakap sa kama.
Si Kiko naman ay ganito ang naging caption sa ibinahaging larawan na katulad ng ipinost ni Frankie:
“Relaks muna kasama ni Sharon matapos ng buong-araw sa bukid kasama nina Miguel, Zsa Zsa, at Conrad.