Lara Quigaman, Marco Alcaraz nag-gender reveal ng kanilang 3rd baby

Nitong Abril, inanunsiyo nina celebrity couple Lara Quigaman at Marco Alcaraz na magkakaroon sila ng third baby sa darating na September.

Ngayon naman sa kanilang latest vlog, nagkaroon sila ng mini gender reveal party sa bahay kasama ang kanilang mga anak at house helpers.

Binahagi ng former beauty queen na magkakaroon sila ulit ng baby boy!

Nagbiro naman si Lara ng “one more” at subukan ulit magka-baby girl.