Lani Mercado nag-sorry sa COVID-14

Humingi ng paumahin si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa pagkakasabi niya ng COVID-14 sa halip na COVID-19 sa kanyang Facebook live noong nakaraang linggo.

“Sa mga natuwa sa aking pagkakamali, ‘Labanan ang COVID-14’. Sorry po, madami po talagang iniisip. Pero sorry po sa mga nagalit, ‘wag na ho kayong magalit, tapos na ang Mahal na Araw,” ang pahayag nito sa Facebook live ng kanyang asawa para sa kaarawan niya.

“We all pray na sana mahanap na po talaga yung lunas ng COVID-19,” dagdag pa nito.

Kahit na maraming ang pangba-bash sa kanya, siniguro naman ng mayora na okay lang siya.

“I’m okay, I’m happy. I’m not mad. Masaya po, kahit bina-bash po, okay lang.”

Pinagtanggol naman siya ni Senator Bong sa mga bashers.

“Alam niyo sa panahon na ‘to, talagang minsan hindi mo na alam kung ano yung gagawin mo para sa mga kababayan mo, dahil kahit na anong gawin mo, may pula at pula pa rin, pero ang importante ay gawin mo ano ang dapat para sa kanila.

“Sabi nga ni mayora, nagkamali siya, COVID-14. Well, medyo nadulas lang siya nun, nagkamali, nobody’s perfect. Lahat naman tayo nagkakamali. Very minor. Naging katawa-tawa. Napaligaya naman niya ‘yung ibang tao. ‘Yon nga lang, naging katawa-tawa. Pero it’s okay.”