Lalakeng nawawala natagpuang patay sa Taal island

Marlon Deteral Taal IslandNatagpuan na ang bangkay ng lalaking nawawala noong Taal Volcano eruption noong nakaraang buwan nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng kanyang pamilya at awtoridad si Marlon Deteral, na nakalibing sa ilalim ng abo at putik malapit sa isang bangka sa Taal island.

Natagpuan ang katawan ni Deteral sa kanyang ika-26 kaarawan nitong Pebrero 15.

Nakita ng kanyang amain at kasama ang katawan ni Deteral sa kanilang bayan sa San Nicolas.

Ibinababa na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level ng Taal sa 2 nitong Biyernes ngunit nananatiling permanent danger zone ang isla.