Lalake pasaway sa lockdown, kinain ng buwaya

Isang lalake sa Rwanda, East Africa ang lumabag sa nationwide lockdown para mangisda, ay kinain ng buwaya.

Mahigit 12 milyong katao ang naka-lockdown simula nitong Linggo dahil sa pagkalat ng nakamamatay na coronavirus.

Nangyari ang nasabing insidente Miyerkules ng umaga sa Nyabarongo river.

Ang Rwanda sa ngayon ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa East Africa.