Lady Gaga, Blackpink release ‘Sour Candy’ dance track

Isang araw bago ang original release, sinurpresa ni Lady Gaga at Korean girl group BLACKPINK ang fans sa collaboration song ‘Sour Candy.’

Ni-release nitong May 28, ang dance track ay may English at Korean lyrics nina Blackpink Jennie, Lisa, Jisoo and Rose.

Ito ang third song na ni-release ni Lady Gaga sa kanyang Chromatica album matapos niyang ilabas ang lead single na “Stupid Love” nitong February at “Rain On Me” na collab niya with Ariana Grande noong May 22.

Ito naman ang unang kanta ng Blackpink matapos i-release ang kanilang 2019 EP Kill This Love.