La Union mayor, asawa positibo sa coronavirus

Nagpositibo sa coronavirus si Caba, La Union Mayor Philip Crispino at kanyang asawa na si Councilor Donna Rillera-Crispino.

Ang mag-asawa ay ang unang kaso ng coronavirus sa La Union.

Sa kanilang Facebook post nitong Biyernes, inanunsiyo nila ang malungkot na balita.

“It is with great sadness that we announce that we are positive for the coronavirus disease 2019. We are doing this to give you the right information… to stop fake news for the good of our municipality.”

Humingi rin sila ng paumanhin sa mga nakasalamuha nila simula noong Pebrero 29.

Umattend sila ng Philippine Councilor’s League sa SMX Convention Center simula Pebrero 26 hanggang 28.

Naka-self quarantine na ang mag-asawa at nasa stable condition.