La Diva nag-reunion matapos ang 5 taon

Ang Pinay pop group na La Diva na binubuo ni Aicelle Santos, Jona Viray at Maricris Garcia ay nag-reunion para sa isang performance sa isang comedy bar sa Quezon City, nitong Sabado.

Sa Facebook post ni Abner Dominguez, makikita na kumakanta ang La Diva ng ‘Angels Brought Me Here’.

Naiyak ako superšŸ˜­ La Diva Is Loveā¤

Posted by Abner Dominguez on Saturday, 8 February 2020

Sa ngayon ay umabot na sa 600,000 views ang nasabing nostalgic reunion.

Unang nabuo ang grupo sa defunct show ng GMA na ‘SOP’ noong 2008 at na-disband noong 2015.

Ang three-member group ay winners ng singing competition ng GMA na ‘Pinoy Pop Superstar’.