Kylie Padilla excited lumipat sa ‘dream home’

Hindi maitago ni Kylie Padilla ang excitemen sa paglipat sa kanyang ‘dream home’ sa gitna ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited,” sey ni Kylie sa Instagram post noong Sabado.

Pinakita rin ni Kylie ang 3D house plan ng kanyang bagong bahay, saying, “It’s coming true, my dream home my gosh sooo happy.”

“My house is almost done, just getting everything sanitized,” sey ng actress sa isang video habang nag-iikot sa kanilang bagong tahanan.

Kinumpirma ni Robin Padilla, ama ni Kylie, ang hiwalayan ng kanyang anak sa asawa nito na si Aljur Abrenica ilang buwan matapos ang cryptic post na naging ugat ng balitang hiwalayan noong Pebrero.