Kuya tinahi ang JS prom gown ni bunso

Para makatipid sa pagrenta ng prom dress, ginawan ng isang kuya ang kanyang bunsong babae ng magarang blue gown.

Si Maverick Oyao ay estudyante ng Western Mindanao State University na kumukuha ng Bachelor of Culure and Arts Education, ay ibinahagi ang gown na kanyang inawa sa kanyang Grade 10 na kapatid na si Lu Asey Oyao.

Maverick Oyao gown

Walang experience sa pananahi si Maverick ngunit gusto niyang matupad ang hiling ni Keanna na umattend sa prom.

Dahil sa kakapusan sa budget, nag-search sa Internet si Maverick ng iba’t ibang ball dresses, partikular na ang spring and summer collection ni famous Pinoy designer Michael Cinco.

Sa tulong ng kanyang ina, natapos nila ang gown na nagkakahalaga lamang ng P3,000.

Umani ng papuri at paghanga ang dedikasyon ni Maverick para sa kanyang kapatid.

Mayroon ng 13,000 likes, 4,000 comments at 75,000 shares ang nasabing post.