Kuya, may dalawang bagong housemates sa “PBB Connect”

Kahit nabawasan muli ang housemates sa pagkaka-evict ni Crismar Menchavez, patuloy namang nadaragdagan ang mga bagong mukha sa bahay ni Kuya sa pagpasok ng dalawang bagong housemates sa “PBB Connect.”

Tuluyan nan gang nagtapos ang laban ng “Military Son ng Palawan” na si Crismar sa “Pinoy Big Brother” matapos makakuha lamang ng 2.60% ng pinagsamang boto mula sa text at KUMUnity. Niligtas naman ng manonood sina at Ella (12.94% of votes), Aizyl (7.47% of votes), at Alyssa (3.29% of votes).

Pinakilala naman kagabi (Enero 17) sina Quincy Villanueva (Ang Brainy Balikbayan ng Laguna) at Gail Balawis (Ang Sing-Ternational Survivor ng New York) bilang mga bagong housemate na napili ng KUMUnity. Nakapasok na sa bahay ni Kuya si Quincy, habang kinukumpleto pa ni Gail ang kanyang quarantine matapos malagpasan ang laban sa COVID-19.

Lumipad sa Los Angeles si Quincy at ang kanyang pamilya noong bata pa siya, ngunit kamakailan lang ay bumalik na sila sa bansa. Dahil sa pangarap na mabigyan ang pamilya ng maginhawang buhay, nagsumikap si Quincy sa kanyang pag-aaral sa Amerika at nakapagtapos ng kursong Biology sa University of Southern California (USC). Nagtrabaho rin siya sa isang biotechnology company at namasukan bilang teller sa Amerika.

Samantala, laking New York naman si Gail na nakaranas ng pambubully, pero hindi ito naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap na maging mang-aawit. Sa katunayan, nakapag-perform na si Gail ng “Lupang Hinirang” sa Pacquiao-Mayweather fight noong 2015. Bukod sa pagkakanta, songwriter at podcaster din “Ang Sing-Ternational Survivor ng New York.”

Samantala, isa namang nakakapanabik na global fancon ang dapat abangan ng “PBB” viewers sa Sabado (Enero 23, 11 pm Manila, 3 pm UK, 7 pm Dubai). Magsasama sa virtual fancon ang lahat ng “PBB Connect” hosts kasama ang “PBB” Season 8 housemates na sina Akie Poblete at Gabby Sarmiento. Mapapanood ang global fancon nang libre sa iWantTFC (Facebook and YouTube), KapamilyaTFC (Facebook), ABS-CBN Online (YouTube), TFC Middle East (Facebook), TFC Europe (Facebook), at ABS-CBN (Facebook).

Makakapag-connect kaya si Quincy sa mga housemate sa panibagong task? Kailan kaya papasok si Gail sa bahay ni Kuya? Sino na naman ang housemates na malalagay sa alanganin?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.