Kryz Uy baby

Nanganak na si fashion blogger Kryz Uy sa first child nila ng kanyang asawa na si Slater Young.

Shinare ni Kryz ang first family picture nilang tatlo kasama si baby boy Scottt Knoa sa Instagram, June 7.

Nanganak siya nitong Martes, June 2 sa Chong Hua Hospital sa Mandaue, Cebu City.

Inanunsiyo naman ni Slater ang kapanganakan ng kanilang baby through “wipe it down” challenge na sumikat sa TikTok.

Ikinasal ang dalawa noong February 2019 at inanunsiyo nila nitong Disyembre na magkakaroon na sila ng baby.