Kristen Stewart gaganap na Princess Diana sa bagong movie

Gaganap na Princess Diana ng Britain si Hollywood actress Kristen Stewart sa upcoming movie na tatalakay sa marriage nito kay Prince Charles.

Ang nasabing independent movie ay directed by Chilean Pablo Larrai, at magsisimula ang shooting sa 2021.

Wala pang anunsiyo kung sino ang gaganap na Prince Charles.

Si Princess Diana ay ang unang asawa ni Prince Charles na nakipaghiwalay kahit isa siyang heir maging reyna ng Britain.

Namatay ito sa isang car crash noong 1997 sa edad na 36.