Kris wapakels sa TV-5, importante COVID free na!

PATULOY na bumubuhos ang suporta kay Kris Aquino matapos na maudlot muli ang kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Nauna rito ay napabalitang magbabalik-TV na si Kris at ang TV5 nga ang sinasabing muli niyang paglalabasan ng kanyang lifestyle show.

Pero biglang nagbago ang lahat dahil sa problema aniya sa producer. Kaya ngayon purnada ang inaabangang show ng kanyang mga tagahanga.

Sa IG account ni Kris ay may isang follower itong nagpaabot ng suporta.

Ani daffydafdaf kay Kris: I will support you always Miss Kris, no matter what TV station, commercial and I will avoid negativities from other people.

I believe in purity of your heart.

Ang sagot naman ni Kris @daffydafdaf: When bimb & I were spared from COVID-19 that was already a blessing.

It’s not easy to acknowledge the truth but in the end it builds character & maturity and I think kailangan kong pagtibayin pa yung mga katangian na yun para maging mas buo ang pagkatao ko.