Kabog ang mga talk show host sa walang kaabog-abog na pagprisinta ng Queen of All Media na si Kris Aquino kay Raffy Tulfo na magsama sila sa isang talk show.
Bungad ni Kris kay Raffy nang magkita ang dalawang celebrity sa studio ng TV5 kung saan magso-show si Kris: ‘I’m a fan.” Na sinagot ni Idol Raffy ng ‘Im a fan too.”
Masayang nagkwentuhan ang dalawang pinaniniwalaang lalong magpapalakas sa Tv5 kung saan ay agad na binanggit ni Kris ang kagustuhang makasama si Idol Raffy sa isang talk show.
Nagpahayag din ng paghanga si Kris kay Tulfo dahil sa pakikipaglaban at paninindigan nito sa mga kababaihan.