Kris Aquino Shopee commercial parang movie o TV show sa ingay

Parang bagong show o movie ang dating ng promo ng commercial ni Kris Aquino sa Shopee.

Inabangan ng netizens at mga celebrities ang commercial ni Kris sa Shopee.

View this post on Instagram

Thank you @shopee_ph. 🧡🧡🧡🧡🧡🧡

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Karamihan sa bumati kay Kris sa bagong project ay mga nakasama niya sa ABS-CBN.

Good vibes si Kris dahil talagang sinagot nya halos lahat ng mensahe sa kanya bilang pagbati sa bago nitong project.

Patunay ng pagiging positive ni Kris sa kasabay ng pagpapakita ng kanyang commercial sa kanyang Instagram account ay ang pagdepensa nito kay Melai Contiveros na tinarayan ng isang netizen.

Sabi ni Kris si Melai ay very supportive sa kanyang mga project kaya’t nagpapasalamat ito at iginiit na dapat maging positive lang.