Kris Aquino pinalagan si Cristy Fermin

Lalo pang uminit ang away sa pagitan ni Queen of All Media na si Kris Aquino at broadcaster/columnist Cristy Fermin.

Ito ay matapos na pumalag si Kris sa mga alegasyon umanong ibinabato ng kampo ni Cristy Fermin.

Sa Instagram post ng isang journalist na si Dindo Balares ay naglitanya si Kris.

Sabi ni Dindo: May mga nagpapadala sa akin ng links sa items ng hidwaan nina Nanay Cristy at Kris.

May ilang media friends din na nagtatanong kung ano ang nangyayari.

Binanggit pa nito sa post ang mga katagang: Makakapamili ba ako ng kakampihan?

Dito na nagkomento si Kris at ganito ang kanyang sinabi: “Dito ako papalag Kuya Dindo… nagsalita ba ko laban sa “nanay”mo?

Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao n’ya?

Sa daming beses na pinagsalitaan nya ko ng lahat ng pinaka masasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan – ni minsan ba pumatol ako?

“Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring – eh para umeffort nga na pumunta sa Elorde gym nga wala talaga akong balak mag commute, mag Grab, o mag pa drive… i saved all the messages @akosilolitsolis & i exchanged starting from October 28.

“Maglabas sila ng kahit sino mula sa side ng Pure Gold na pwedeng mag patunay sa mga pinaratang sa kin- dahil ang client na producer ang pwedeng magbigay linaw sa lahat… There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa buhay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin.

“Mas maka-tao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala… hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya kung hindi ko ‘to gagawin… i understand you- a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother.

“No hard feelings, yung naging “anak” mo nagbago na talaga pero hindi ibig sabihin nun mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory- marunong pa ring manindigan pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan, hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang pagsigawan… ngayon alam ko na- i do not have to attend every fight i’m invited to. i cannot control what people will say about me or do to me, BUT i can control my reaction & subsequent actions.”

Marami naman ang nakisimpatiya kay Kris at inakusahan si Cristy ng kung anu-anong mapanglait na salita.