Kakagulat ang bilis ng paglaki at pagtangkad ng mga anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Kris nitong weekend ang kanyang dalawang anak na tinawag niyang ‘My Towers of Love.”
Tuwang-tuwa ang netizens sa ipinost na photo ni Kris kasama ang mga anak dahil kitang-kita ang biglang pagtangkad ng mga ito.
Si Bimby ay 13 anyos pa lamang kaya’t hindi malayong magpang-abot silang mag-kuya.
Komento nga ni Kris Si Joshua ay 6’2” ang taas habang si Bimby ay nasa 6 feet ayon sa ina nito.