Kris Aquino kabado sa driver na COVID positive; nag-isolate na rin dahil sa sama ng pakiramdam

Nagpahayag ng pangamba ang Queen of all Media na si Kris Aquino matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang driver.

Sa Facebook post ni Kris ngayong araw ay ibinahagi niya ang pinagdadaanang takot ng kanyang team.

Ayon sa post ni Kris “November 3 we all had PCR testing because i was supposed to do a TVC shoot Nov 5… Testing was done in the morning.“

“8 PM when my sons, my whole team, and i (we’re quarantining together until the 12th when this batch of commitments will finish) got an urgent message: 1 of our drivers tested positive for Covid-19. “

“He doesn’t stay where we are all living now and he doesn’t drive for me, but he does take care of picking up & bringing home bimb’s homeschooling teacher, he regularly picks up members of my team from their homes, and normally when i need to bring many things & we’re a complete group, he drives our 2nd vehicle.”

Ani Kris napagdaanan na nila ang ganitong klaseng takot noong Agosto at Setyembre pero iba aniya ngayon dahil mas marami ang apektado.

Kaya kinansela aniya ang kanyang shoot para nitong November 4&5 at sumailalim lahat ng kanyang kasama sa anti-gen test kung saan ay nagnegatibo naman silang lahat.

Gayunman ay nakaramdam aniya siya ng sama ng pakiramdam. “That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache. i slept early and told myself, everyone would be in full PPE & N95 masks- kakayanin namin… i woke up still coughing, with sinus congestion, a persistent headache and fatigue. We did my hair & makeup & proceeded to the studio.“

“It was there that i started to lose my voice because of the nonstop coughing & my BP had gone up to 150/100.“

“Na prove sa kin kung gaano ka compassionate yung brand that i represent. Since i also produce, alam ko kung anong expense ang involved dahil hindi tinuloy yung shoot. Kaya nga pinipilit kong wag ma packup… Pero nag desisyon silang i-prioritize ang health ko at LAHAT ng mga katrabaho ko.“

“3 PM kanina nag PCR test kaming lahat sa team ko, hindi ako makatulog waiting for the results… Thank You God- for now okay kami. November 10, one more test para totally CLEARED na ang Team Kris.“

Sa kasalukuyan ay naka-isolate si Kris para hindi mahawa ang kanyang mga anak.