Kris Aquino inampon ni Willie Revillame

Nilipad ng helicopter si Kris Aquino at ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby mula Boracay, isang araw bago magsimula ang community quarantine sa Metro Manila.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng video nila na nakasakay sa helicopter at sumunod naman ay namamahinga sa isang yate.

View this post on Instagram

i’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma. a kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week. if you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him— na SHY na ko. i included shots of how beautiful our country 🇵🇭 is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan. 🤍🤍🤍

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

 

“Pinahiram sa ‘min ang yacht ni Willie. O ‘di ba ang spoiled namin?” sey ni Kris.

Sa caption, ikinuwento nito na ready na silang mag-anak na manatili sa Boracay habang community quarantine.

Dahil sa high maintenance silang tatlo, pinasundo sila ng kanyang special friend na si Willie Revillame at kinupkop.

Hindi sila makauwi ng bahay dahil pinapa-renovate ang second floor at matatapos pa next week.