Kris Aquino inabot ng kamalasan; mukha namaga, kamay nadale ng electric fan

Kris Aquino swollen faceNagpaliwanag si Kris Aquino sa kanselasyon ng Facebook live session na kanyang ipinangako sa fans matapos makaranas ng severe allergic reactions at hand injury.

“Sorry hindi natuloy our other FB Live sessions… WARNING: don’t swipe to the next two pictures if you’re not okay seeing swollen eyes na parang nakipag sparring ako kay Ronda Rousey,” sey ng TV-host actress sa kanyang Instagram post.

Ang pamamaga ng kanyang mata ay dahil sa allergic reaction sa pain reliever iininom niya para gamutin ang migraine, na inabot ng isang linggo.

“Last Sunday, I drank the wrong pain reliever for my migraine — the result? Super bad allergic reaction and five days before swelling finally subsided,” saad ni Kris.

Binahagi din nito na nagkaroon siya ng hand injury habang inaadjust ang electric fan stand.

“Last picture is my left hand because this afternoon I tried to be independent; I was adjusting the electric fan stand to lower it, malay ko ba na pwedeng biglang bumagsak na lang yung buong fan and naipit na ko — OUCH.”

Pinaalalahanan naman niya ang kanyang mga followers na maging healthy at susubukang magkaroon ng FB session sa lalong madaling panahon.