Kris Aquino binati ang kanyang ‘special guy’ sa birthday; pinadalhan ng bulaklak

Ginulantang ni Kris Aquino ang social media ng batiin niya ang kanyang #special man sa kaarawan nito.

Nitong August 11, shinare ni Kris sa Instgram ang kanyang pagbati. “Thank you for coming into my life… Happy Birthday!” post niya.

Deserve umano ng mistery guy ang pagbati kahit na magdudulot ng espekulasyon ang kanyang post.

“I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I’ll be starting… BUT he really did come when my grief was unbearable,” caption nito.

“He continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus Bimb likes him,” pagpapatuloy niya.

“Most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE. So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special,” Umabot na sa 59,000 likes at 2,700 comments ang nasabing post.

Kinabukasan, nakatanggap ng bouquet of flowers ang Queen of Social Media sa kanyang special someone bilang pasasalamat sa kanyang birthday greeting nitong Miyerkules.

Binahagi ni Kris ang natanggap niyang flowers na hawak ni Bimby, na suportado sa love life ng kanyang ina.

“I have never been thanked this way for a ‘birthday’ post. Obviously, he has Bimb’s yes and I have always been vocal. When my sons are okay, then my world’s okay,” sey niya sa another post.

“Ang because I want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us – my family, closest friends, and trusted team,” dagdag pa niya.

Nagkakilala ang TV host-actress at kanyang special guy dahil sa kapatid ng una na si dating President Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Thank you for wanting me to be happy. This time, I feel even Noy in heaven will finally approve, [I think] because we’d never have met had it not been for him,” kuwento ni Kris.

Lumabas ang mga balita na ang nagpapatibok sa puso ngayon ni Kris ay si dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.