Kris Aquino, Bimby pinag-usapan si James Yap

Nagkaroon ng heart-to-heart conversation si Queen of All Media Kris Aquino at anak na si Bimby tungkol sa kanyang ama na si James Yap, at bakit ito ‘special.’

Nang tanungin ni Bimby kung anong naiisip niya nang pakasalan ni Kris si James noong 2005, saad ng TV host na yun ang panahon na gusto na niya magpakasal.

Ang nagpahanga sa kanya sa basketball star ay kung paano niya hinarap ang isang isyu mula sa nakaraan.

Bago pa man sabihin ng iba o ng media ay sinabi na agad ito ng ama ng 14-year-old.

“What made your dad special was that, initially, he trusted me by telling me something that he didn’t have to tell me,” na hindi naman niya binigyan pa ng paliwanag kung ano ang topic.

Naging honest naman si Kris na akala niya ay magwo-workout ang marriage nila ni James.

“I thought it could work. I honestly thought it could work. Not realizing na he was too young and we really came from two different worlds but I wanted it to work,” sey niya.

Mas bata ng 11 years ang PBA player kay Kris. Ngayon wala nang nararamdaman galit si Kris para sa dati niyang asawa.

“I now feel just so grateful. Without him there would be no you,” saad niya kay Bimby.