Kris Aquino at mga kasama sa bahay naka-quarantine

Naudlot ang mga pasabog ng Kris Aquino sa kanyang bagong endorsement na Shoppee.

Ito ay makaraang mag positive sa COVID-19 ang dalawa sa kanilang security.

Ayon kay Kris bagama’t nag negative sila sa sinagawang PCR test ay kailangan nilang mag-quarantine.

Sa December 3 ay muli silang sasalang sa panibagong testing para masigurong ligtas silang lahat sa virus.

Ang dalawang security nito na nadale ng COVID 19 ay naka-isolate ayon kay Kris sa isa nitong bahay sa Quezon City na kasalukuyang nire-renovate.