Korean actor nakatulog habang naka-live broadcast

Nitong madaling-araw ng June 27, nag-Instagram Live si Korean actor Sung Hoon.

Ilang minuto matapos mag-live broadcast, nakatulog agad ang ‘My Secret Romance’ actor.

Habang natutulog ay pinapanuod siya ng mahigit 2,000 followers at sinusubukan siyang gisingin sa comments section.

Kalaunan, bumagsak ang cellphone ni Sung Hoon at makikita na lamang ang ceiling ng kuwarto.

Maririnig pa rin ang kanyang paghilik, pagtahol ng aso at pagri-ring ng kanyang cellphone.

Bandang 5:20 AM KST, dumating ang hinihinalang manager ng aktor at pinatay ang broadcast nito.

Inamin ni Sung Hoon sa MBC’s ‘I Live Alone’ na nakakaranas ito ng insomnia at kanyang pampatulog ang Instagram live.