Korean actor Cha In Ha natagpuang patay

Cha In HaNagtapuang patay sa loob ng kanyang bahay ang Korean actor na si Cha In Ha, ayon sa Korean entertainment news website na Soompi.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng aktor.

Nakiusap naman ang Fantagio, talent agency ng aktor, na huwag magpakalat ng spekulasyon tungkol sa pagkamatay nito.

Unang lumabas si Cha sa short film na “You, Deep Inside of Me,” at supporting roles sa dramas na “Temperature of Love” (2017), “Are You Human?” (2018), at “Clean with Passion for Now” (2019). Namatay si Cha sa edad na 27.