Nagbabala sa publiko ang Philippine Embassy sa Seoul laban sa iniaalok na visa processing services sa mga irregular migrants, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Paliwanag ng DFA kadalasan ay nag-a-advertise sa Facebook ang mga may pakana ng pekeng visa assistance services na nangangakong tutulungan ang mga Pinoy na magkaroon ng balidong visa para makapagtrabaho ng legal sa Korea.
Binigyang-diin ng DFA na ang serbisyong katulad ng inaalok ng sindikato ay libre o may maliit mang kabayaran para lamang sa attorney’s fee.
“Please note that there is no such service allowed by Korean authorities,” nakasaad sa paalala ng DFA.
Ang Korea Immigration Service (KIS) ayon pa sa DFA ay hindi nagpoproseso ng visa applications ng mga irregular at undocumented migrants na nakabase sa Korea.
“Members of the Filipino community are encouraged to advise kababayans not to entertain these schemes, nor spread these in social media,”ayon sa DFA.
Matatandaang sinabi ni Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man noong Hunyona na ginagawa ng South Korean government na maging accessible sa mga turistang Pinoy ang kanilang bansa sa pamamagitana ng pagbabawas ng requirements sa visa applications.