Komedyante nga! Michael V. nagbirong mataba, masustansya ang utak kaya COVID nagpiyesta

Kahit may dinaramdam ay nakuha pang magbiro ng Kapuso talent at komedyanteng si Michael V.

Sa kanyang vlog ay inamin ni Bitoy na isa siya sa milyong kinapitan ng bagsik ng COVID-19.

Kuwento ni Bitoy may naramdaman siyang pananakit ng katawan at nakaramdam ng lagnat.

Pero ang alam nyang may sintomas talaga ng COVID ay ang pagkawala ng kanyang pang-amoy.

“Wala akong maamoy, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko — alcohol, eucalyptus food — medyo weird.

Wala akong masyadong maamoy,” pagbabahagi ng komedyante.

“Tsaka nakakapraning kasi kung nandito siya sa nasal area kung may virus diyan parang ang lapit sa utak, so mahirap. Baka sabi pa naman nung iba masustansya yung utak ko, mataba yung utak ko baka pagpiyestahan ng mga virus eh,” dagdag ng komedyante.

Habang ibinabahagi ang quarantine experience ay hindi napipigilan ng komedyante na maiyak dahil nami-miss aniya nya ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Nakakainis lang na ang lapit-lapit lang nila na sa kabilang kwarto lang and yet ‘di mo sila mahawakan. Hindi mo sila mahalikan. I feel bad but kaya. Hopefully, we’ll get through this and hopefully everything will be OK. We’ll see,” emosyunal na pahayag ni Bitoy sa kanyang vlog.

Nabatid na nasa ikalimang araw ng isolation si Bitoy nang magpa-test na rin ang kaniyang asawa’t mga anak.

Nalaman daw niya na positibo siya sa virus sa ikawalong araw ng kaniyang isolation, “SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected so it’s positive, right now fever na lang yung loss of smell na-re-regain ko na siya,” kuwento ni Bitoy.

Patuloy pa rin ang paglaban ni Bitoy sa virus at umaasa itong gagaling katulad ng kuwento ng ibang tinamaan ng virus.