Kobe Bryant sa Pilipinas, inalala ng mga Pinoy sa kanyang pagpanaw

Kobe Bryant Manila 2016Apat na beses din bumisita ng Pilipinas ang namayapang NBA legend na si Kobe Bryant.

Una itong tumapak ng Pilipinas noong 1998 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nag-viral ang video ng naging pagbisita sa Malacañang ng NBA legend noong August 14, 1998, dalawang taon matapos niyang ma-draft sa NBA.

Ang video ay binahagi sa Twitter ni GMA reporter Joseph Morong na mula sa Radio Television Malacañang, makikita si Kobe habang kinakamayan ang noo’y si Pangulong Joseph Estrada.

Pangalawang bisita ni Kobe ay noong 2011. Oktubre 18,2011 ang eksaktong petsa ng ikalawa niyang dalaw sa bansa kung saan ay nagpamalas ito ng husay sa paglalaro sa harap ng libu-libong mga fans sa  Philippine Sports Arena.

Sumunod itong dumalaw ng Pinas noong 2013 para naman sa promotional tour sa ini-endorso nitong Lenovo kung saan ay nagkaroon ito ng press conference para sa mobile phone brand noong August 12, 2013.

Hunyo 2016 ang huling bisita ni Kobe sa Pinas, dalawang buwan matapos itong umiskor ng 60 poinga sa kanyang farewell game.

Napuno ang Araneta Coliseum para saksihan ang pagdating ni Kobe.