Ang bilis ng panahon apat na taon na pala ang ex-PBB finalist na si Kisses Delavin sa showbiz.
Sa apat na taon sa mundo ng showbiz ni Kisses ay marami ng nangyari sa kanyang career.
Mula nga sa Kapamilya channel kung saan na-discover at nagsimula ang kanyang career ay napadpad sya sa pamamahala ng Triple A kung saan kasama niya sa kuwadra ang mga sikat na Kapuso stars na sina Marian Rivera, Maine Mendoza at marami pang iba.
Mukha namang umayon ang desisyon ng dalaga dahil sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN na hindi na-renew ang prangkisa.