Kisses Delavin favorite na Palmolive girl

Inilabas noong isang Linggo sa social media ng Palmolive Shampoo ang kanilang #PalmoliveTripleSachet promo.

Kisses Delavin
Kisses Delavin (IG)

Ang tatlong model ng shampoo ay sina Janella Salvador, Bianca Umali at si Kisses Delavin.

Tanging si Kisses ang datihan nang model ng Palmolive na isang indikasyon na patok itong endorser ng shampoo.

Kaya naman sobrang saya ng mga fans ni Kisses na supportive sa lahat ng project ng kanilang idolo.

Sa official page na Palmolive Shampoo sa Instagram ay inuulan ng papuri kay Kisses ang nasabing post ng Palmolive. Sa tatlong endorser tanging si Kisses lamang ang binaha ng heart emoticon na libu-libo na kumpara sa kanyang mga kasamang sina Janella at Bianca.