Bongga ang birthday ni Kiray Celis dahil nakatanggap siya ng mahigit 100 cakes para sa birthday niya.
Dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, binahagi ni Kiray ang ilang photos sa kasama ang iba’t ibang cake na karamihan ay Lilo at Spongebob theme.
“More than 100 cakes! Grabe! Hindi ko na napicturan yung iba kasi hindi na kasya! Maraming salamat po sa lahat ng pagbati,” caption niya.
“Sa 29 papo ang mismong birthday ko. 27 napo ako by that time kaya sana pagbigyan niyo napo magpakita ng cleavage!” sey niya habang suot ang Spongebob bralette.
Dagdag sa natanggap niyang cake, makikita sa separate post ang bigay ng boyfriend niyang si Stephan Estopia.
“Grabe ka naman po magmahal. ‘Mahal na mahal kita sobra pa sa sobra.’ Eto yung mga salita na sinasabi niya sakin tuwing mag gogoodmorning, naglalambing at nag gogoodnight. Iba ka talaga,” kilig na kilig na si Kiray.