Kiray kinilig sa guwapong BF

Kiray CelisKinilig si Kiray Celis sa kanyang guwapong boyfriend na si Stephan Estopia nang i-wallpaper ito ng huli sa kanyang cellphone.

Ang ikinahaba pa ng buhok ni Kiray, nakita nito ang kanyang 2×2 ID picture at baby picture sa wallet nito, na kanyang shinare sa Instagram.

“Yung lalaking wallpaper ka at may picture sa pitaka niya. Iba ka! The best ka talaga!” caption ni Kiray sa kanyang post.

Kaka-celebrate lang ng dalawa ng kanilang first monthsary.