Kinabog ang mga young stars: Halle Berry kumasa sa #pillowchallenge

Kinasahan nyo na ba ang #pillowchallenge na kumakalat ngayon sa social media partikular sa Instagram at Tiktok?

Ang ‘pillow challenge’ ang kasalukuyan ngayong pinagkakaabalahan ng mga netizens pati mga celebrities na nabuburyong na rin sa patuloy na quarantine dulot ng coronavirus pandemic.

Halle Berry pillow challenge

Si Halle Berry ang latest celebrity na kumasa sa #pillow challenge kung saan bonggang-bongga ang kanyang fashionista outfit gamit ang kulay itim na unan na sinabayan ng malaking hat, oversized black sunglasses at black heels.

Sa kanyang Instagram post nitong nagdaang Miyerkules, naglagay si Berry ng caption na: “You already KNOW you couldn’t keep me from the #PillowChallenge.

Sa pillow challenge post ni Berry, ipinakita niyang “age is just a number” dahil sa edad na 53, seksi at glamorosa pa rin ang aktres kahit unan lamang ang suot nito.

Nag-umpisang kumalat sa social media ang pillow challenge kung saan ipinapakita ng mga nakiki-join ang kanya-kanyang pasiklab sa fashion habang naka-quarantine dahil sa coronavirus pandemic. Daang libong posts na ang

Ang kailangan lamang gawin ay gumamit ng unan, talian ito ng belt o kung anumang fashion accessory, mag-selfie o magpapiktyur at i-post ito sa social media gamit ang #pillowchallenge.

Sa mga nagdaang araw, ilang celebrities na ang nakisali sa pillow challenge matapos itong ibalita ng Good Morning America, Vogue at iba pa.