Kim Idol brain dead na

Nasa kritikal na kondisyon na si comedian Kim Idol, matapos matagpuang walang malay sa Philippine Arena.

Isang miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Kim Idol na nag-volunteer maging marshal sa Bureau of Quarantine sa Philippine Arena.

Isinugod sa Manila Central University Hospital sa Caloocan ang komedyante, at ayon sa malapit na kaibigan na si Brianne Alejandria, brain dead na ito.

Inihayag noon ni Kim na meron siyang AVM o arteriovenous malformation noong 2015.