Kim Chui iniligtas ng bulletproof van sa riding-in-tandem

Sa kabila ng inabot na trahedya ay nagawa pang magbiro ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na para siyang nasa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ matapos na ratratin ng bala ang sinasakyan nitong van sa Katipunan Avenue, Quezon City kaninang umaga.

Naiyak sa takot ang aktres nang kapanayamin matapos ang masaklap na inabot.

Kim Chiu van

Pero kahit umiiyak ay nagawa pa ring magpatawa ni Kim nang sabihing, “Para akong nasa Probinsyano, Diyos ko!”

Walong bala ayon sa aktres ang tumama sa kanyang Hyundai van.

Ang van ng aktres ayon sa mga awtoridad ay isang bulletproof.

Sa salaysay ng aktres natutulog siya nang mangyari ang pamamaril.

“Dapat magbabasa ako ng script pero inantok ako along the way paa labas ng village, so humiga ako. So kung hindi ako inantok at tinuloy ko ‘yung pagbabasa ng script, siguro tinamaan na ako dito (sabay-hawak sa balikat).

Kim Chiu bullet

“Nagpaulan ng bala, eight bullets. Nakita ko ‘yung isang bala nasa windshield nakapatong,” tsika ni Kim.

Kasama ni Kim sa van ay ang kanyang driver at personal assistant na katulad niya ay nakaligtas sa pamamaril ng riding-in-tandem.