Kim Chiu nahubaran sa pagrampa sa Italy

Inamin ni Kim Chiu na hindi kinaya ng powers ng kanyang OOTD ang mahabang oras ng paglalakwatsa mag-isa sa Rome, Italy kung saan naroon ang aktres kasama ang ilang stars ng ASAP kaya nasira ang kanyang sout na stockings.

Kim Chiu

Ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang kuha na naka-side view habang nakaupo sa isang barandilla na aniya ay kuha nya gamit ang kanyang tripod dahil solo flight ito sa pagrampa.

Gayunman ay kapansin-pansin ang suot nitong stocking na punit kaya’t aninag na ang kanyang buong binti.

Hindi naman itinago ng aktres ang sinapit dahil ganito ang naging bahagi ng kanyang caption sa ipinost sa Instagram kung saan makikita ang napunit niyang stocking.

“Opo, nag-run siya …haha hindi niya kinaya ang energy ko.”