Humingi ng paumahin si actress Kim Chiu sa kanyang opinyon sa Facebook Live protest event ‘Laban Kapamilya’ nitong Biyernes ng gabi.
Ginawang halimbawa ng aktres ang sitwasyon sa loob ng isang silid-aralan sa nangyaring pagpapatigil sa ABS-CBN na mag-broadcast dahil sa expiration ng congressional franchise nito.
“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” saad ni Kim sa Facebook live event.
Sa kanyang Twitter, humingi ito ng paumanhin at sinabing siya rin mismo ay hindi niya naintindihan ang kanyang sinabi.
“Hahaha nagising ako na trending na pala ako! Okay po. Hahah natawa nalang ako sa sinabi kong about classroom. Nadala lang ng emosyon. Sensya na.”
Nagbigay din siya ng statement sa kanyang Instagram account.
Isa si Kim sa Kapamilya artist na nagbigay ng kanilang opinyon laban sa gobyerno sa pagpapatigil na magpalabas ang ABS-CBN nationwide.
Nanawagan ito sa National Telecommunications Communication na baliktarin ang cease and desist order nito.