Kim Chiu ‘ampalaya‘ pa sa Julia-Gerald tandem

Hindi pa kaya maka-move on si Kim Chiu sa pakikipaghiwalay sa dating ka-loveteam at BF na si Gerald Anderson?

Ito ang usap-usapan matapos na mag-trending si Kim nang madulas umano ito sa pagbanggit tungkol sa rumored magdyowa na sina Gerald at Julia.

Sa October 28 episode ng “It’s Showtime” ay aksidenteng nabanggit ni Kim ang pangalan ni Julia habang bina-browse ang Instagram account ng ex-boyfriend niyang si Gerald.

“Yung pagbukas mo rito nandito si Julia Barretto,” sambit ni Kim. Nagulat si Kim sa bitaw ng salita kaya agad siyang nag-peace sign.